Bihirang Maisulat ang Kaligayahan ni Rebecca T. Anonuevo

Totoong mahirap isulat ang kaligayahan.
Hindi ko alam kung paano iyon huhulihin,
At ano ang ihahandog pinakatamang lalagyan.
May mga sandaling tulad nito na nakasalansan
Nang kusa at tugmang-tugma; dugtong-dugtong
Ang galaw ng mga tagpong karaniwan
Na parang paghinga ng nakahimlay na anghel sa kumot
Na duyan, parang pinung ulo ng kristal na tumatanggap
Ng lakas sa halaman, parang sinindihang kandilang
Nakapulupot ang samyo sa hitik ng dilaw at lila sa plorera.
Magkaiba ang labis na lungkot at labis na kaligayahan
May simbahan ang labis na lungkot at doo’y maaring
Lumuhod, tumwag ng saklolo, pulutin ang pira-pirasong
Natitira sa sarili, hugasan sa bendita ang mga pilat.
Ang labis na kaligayahan ay walang isang tahanan.
Nakasaboy iyon sa lahat ng dako at bumabati
Ng balu-balumbong pagyakap kapag nabalingan.
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang isang araw
Na dumalaw ako sa isang dating sinisintang tagpuan
At nagkasyang titigan ang magkakapatong ng mga batong
Lumilikha ng isang loobna, hindi ako nabagabag
Na sa isang iglap ay maaaring gumuho ang kaligayahan
Tulad ng mga bato kung panahon ng isang di inaasahang lindol
Nanganak ang kaligayahan, dumaan at nagpatuloy,
Manaka-naka’y nagtatago, sumabay sa aking paglakad,
At nakaupo na ako’y nakatayo paring nagbabantay.
Ito marahil ang kaligayahang itinalinghaga ng isang makata.
Bihira mang masulat ay may anibersaryong nag-aanyaya
Ng tagay – tulad ng sambit ng pag-ibig na dati na at lagi:
Ito ang kaligayahang ang kaligayaha’y mapilas at maibahagi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: