Masasabi ko kaya nang tama:
Mahal kita.
Na pitong beses hinahabol
ng Araw ang Buwan sa isang linggo.
O Maiiwan na naman ba ako
sa likod ng tricycle
O sa likod ng dyip
sa harap ang iyong berdeng inla:
tuldok sa aking pulang labi
panipi sa ating dilaw na mga puso.
Masasabi ko pa kaya nang tama:
Mahal na Mahal kita.
Na ang buhangi’y kumukulo,
kapag ang buwa’y lumalayo
at ngayo’y lahat ng salitang tago
naipon, dito sa putik ihahalo
nang ito’y maging huling koro:
Minahal kita,
Sana nasabi ko na nang tama
para ang dahilan para uliti’y mawala..
Advertisements
Leave a Reply