Ang Romansang Ninakaw

And I don’t want the world to see me
‘Cause I don’t think that they’d understand
-Goo Goo Dolls, from Iris

O kahit maintindihan nila,
ito pari’y tanong ng May lalang:
Kung bakit kailangan pang pitasin
ang prutas sa gitna ng Eden

At isama ito sa salad
na sinubo natin sa isa’t isa sa
gabi na tayo’y unang nagkita.
Namulat ang ating mga mata:
Gusto natin ang isa’t isa,
kaya tinakpan natin ang ating kahubaran
ng ating mga katawan –
natuto tayong magyakapan.

Hanggang sa nalaman din natin
ang kapangyarihan ng halik.
Ginamit natin sa paglikha ng
Araw na dagdag
na tatakip sa ‘tin kapag
ang Diyos ay nakatingin.

Mali ang ulupong: Ito, Ito ang katotohanan.
Ikaw na butong hinugot ay ang nag-aalis
ng mga siha ko sa tadyang, pinupuno
ang aking pangungulila.

Tama ang ulupong: Magiging katulad ako ng May lalang.
Inakala ko na ang Diyos lang
ang may kakayahang magmahal.
Kaibig-ibig ang iyong anino sa ating
anak na Araw.
O gaano ko hiniling ang pag-baha
ng prutas sa gitna ng eden!
Kinailangan kong malaman
kung ano’ng tama at mali,
dapat sa hindi, o
maranasan ang pagkalunod,
ang pangalawang pagkamatay
para ako’y matunaw na lamang
sa iyong paligid.

Pinili kong pakiusapan ang mga
bubuyog na gawan ka ng pulot-pukyutan
baka na itira ka ng gatas
higad na itahi ka ng damit
gagamba na bigyan ka nang matutulugan
kabibe na handugan ka ng perlas
kalapati na dalhin ka sa mga ulap
alitaptap na samahan ka sa dilim
unggoy na patawanin ka habang ang mga
buwaya’y pinapaiyak ka
aso na tapikin ka sa balikat
lampasut na ibulong sa iyo ang aking nararamdaman.

Dahil hindi importante kung ako’y iyong sagutin,
Hindi nadidiktahan ang aking puso,
magsusulat at magsusulat lang ito
ng berso sa berso sa iyong kaluluwa.

And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
‘Cause sooner or later it’s over
I just don’t want to miss you tonight

-Goo Goo Dolls, from Iris

Binulong na ng Panginoon sa hangin:
Ito’y bawal na pag-ibig.
marahil kaya tayo’y hindi nagkarinigan –
Malakas bumulong ang Panginoon at

nag-iba ang ihip ng hangin:
tangay-tangay nito ang isang patalim
na aking ginamit upang saksakin
ang iyong mga suso habang
pinapapak ka ng aking mga leon.

Sa pag-aakalang ako’y iyong niloko.

Nakalawlaw na ang iyong mga suso
at hayok na ang mga Gorilya sa paghalay sa’yo
nang muli kong makita ang iyong anino.
Ang unang aninong nakita ko nang buo, ang aking
sinundan sundan sa paglilibot sa Eden,
Ang nanggising noong ako’y pinaidlip ng Diyos
.

And I’d give up forever to touch you
‘Cause I know that you feel me somehow […]
And I don’t want to go home right now

-Goo Goo Dolls, from Iris

Kasama ng romansang ninakaw natin
mula kay Eba’t Adan ang galit ng ating Panginoon.

Kaya sa ikawalong araw ay isinauli na natin ito sa Eden,
nag-iwan nalang tayo ng pangako:
Ang maging magkaibigan,
dahil sa bawal na pag-ibig
dito nauuwi ang lahat –

sa mga kumustahan
sa mga apir
sa mga akap
sa mga pagpapanggap
sa mga kawalan ng kahulugan
Tiniklop-tiklop natin ang ating
pagtitinginan

Ngunit hindi ako roon nauwi:
Ikinalong ako sa maaanghang na binti

[Repeat Chorus]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: