One Night Only ni Mark Angeles

Bumukas ang aking mga mata
sa kalatog ng mga kaldero.
Nilingon ko ang huli kong katabi kagabi.
Naroon pa siya. Napangiti ako.
Naaamoy ko pa sa kaniyang hininga
ang binalasa naming erbi.
Gusut-gusot ang kumot—
siguro iniukit niya roon ang kanyang lungkot
habang ako’y natutulog.
Maingat ko iyong itinakip
sa hubad niyang balikat.
Gusto ko siyang itali sa aking yakap,
gusto ko siyang ikandado sa aking mga halik;
ideklarang akin siya.
Ngunit ang puso ko ay isa lang sa mga bato
at ang puso niya ay tubig na umaagos
sa sanga-sangang mga ilog ng mundo.
Kininis niya ako pero hindi siya mananatili
para gawin akong diyamante
kahit ipagpilitan ko ang aking sarili
para baguhin ng mga kamay niya.
Nagliyab ang kurtina
sa puluhan ng aking kama
pero hindi niya iyon nakita.
Kaya’t lihim ko siyang binulungan
ng “Isinusuko ko sa iyo ang tiwala ko.”
baka sakaling dito na siya mananghalian.
Baka sakaling maisip rin niya bago siya umalis
na iwan ako ng kasiguruhan,
kahit pabiro lang, na ako’y kanyang babalikan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: