KAIBIGAN XXXIII by Nick Atienza

Sabi’y kay Diana ang pakikipaghunta
ng tangkang tinula-inawit- dinama:
ito ang totoo — lupa mang duhagi’y
sentro ring dagitab ng pagtatangkang tula.

Hindi nga miminsang sa pakikitalad
ay kakawing siya, ng daang habagat
at mga tag-araw — pakikipagtagis;
pangarap-pagkilos ng lungsod at bukid,
ng pagpapakatao’t makauring tindig,
sambitla ang ngalan, anino ay kanlong;
tila saping igkas sa patag at parang.

GANYAN SI DIANA.      DI MAGHIHIMAKAS.

Kung ang bawat tula’y may sentrong dagitab,
isa si Diana — maimpit mang ningas.
Sa pakikilamas nga ng mundong hinamak
waring agos-dugo, buhay at pagbulas.

Sa sinsin ng punong pananggol ng gubat
siya’y nakatagpo, kayakap ang sakbat
at namumutawi sa senyas ng bukas;
maalab ang ngiti, may apoy ang palad
ang kaunting ngimi’y iwi ang halakhak
galaw at pagwikang pagbulas ng araw
ng lipong hinamak, na nagbabanyuhay.

Sa bundok at patag ng pakikitalad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: